_pang-masa
^
Pahayag ni Mon Tulfo na âtamadâ ang Pinoy workers kinontra ni Raffy
Ayon kay Raffy, hindi porke’t magkapatid sila ni Mon ay iisa ang kanilang pananaw sa isyung ito.
Facebook/pg/IMKTOfficial

Pahayag ni Mon Tulfo na ‘tamad’ ang Pinoy workers kinontra ni Raffy

Mer Layson (Pang-masa) - March 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni radio and tv broadcaster Raffy Tulfo ang pahayag ng kapatid na si Mon Tulfo tungkol sa pagsasabing “tamad ang mga Pinoy na construction workers.”

Sinabi ni Raffy sa media interview sa Quezon City, na hindi alam ng kanyang kuya Mon ang mga sinasabi at wala umano itong basehan dahil katunayan na hinahanap o mas prefered ng mga kumpanya sa abroad ang mga Pinoy worker trabahador dahil matiisin, masipag, at masunurin sila.

Ayon kay Raffy, hindi porke’t magkapatid sila ni Mon ay iisa ang kanilang pananaw sa isyung ito.

Si Raffy ay kilala na nilalapitan ng mga manggagawa upang hingan ng tulong sa kanilang mga problema sa trabaho. Habang si Mon ay na-appoint ni Pangulong Duterte bilang special envoy to China.

Anya,walang karapatang magsalita ang kuya niya laban sa mga manggagawang Pinoy kahit na ito’y envoy to China at dapat daw unahin ni Mon ang karapatan ng mga Pilipino at hindi ng mga Tsino.

Maging si Labor Secretary Silvestre Bello III ay kontra sa pahayag ni Mon Tulfo laban sa mga manggagawang Pinoy.

Si Mon ay inuulan ng batikos sa social media ng mga netizen at hinihingi sa Pangulong Duterte na sibakin agad ito.

MON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with