^

Police Metro

NCRPO chief: Walang grupong nandudukot ng mga bata sa Maynila

Lordeth Bonilla - Pang-masa
NCRPO chief: Walang grupong nandudukot ng mga bata sa Maynila
Nanawagan si Eleazar na huwag nang magpakalat ng mga balita na may grupong nandudukot ng mga bata dahil wala umano itong katotohanan at nagdudulot lamang ng takot.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Walang grupo na nangunguha ng mga bata sa Metro Manila”.

Ito ang iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major Ge­neral Guillermo Eleazar na, taliwas sa kumakalat sa social media.

Nanawagan si Eleazar na huwag nang magpakalat ng mga balita na may grupong nandudukot ng mga bata dahil wala umano itong katotohanan at nagdudulot lamang ng takot.

“Walang katotohanan na may nangunguha ng bata. Tayo ay nanawagan sa mga magulang na huwag po kayong mag-panic o maalarma,” ani Eleazar.

Naaresto noong nakaraang buwan sa Parañaque si alyas “Beth” dahil sa tangkang pagdukot sa bata sa BF Homes at sinabi nitong kabilang siya sa isang grupong nangunguha ng mga bata sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Laguna. Pero makalipas ang ilang linggo nag-iba ang pahayag ni “Beth.”

Nahuli rin sa Parañaque noong Huwebes si alyas “Ces” dahil din sa tangkang pagdukot sa bata.

Isasalang sa psychiatric evaluation sina “Beth” at “Ces” dahil sa pabago-bago nilang mga pahayag.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with