Binatilyo, paslit nakaligtas sa pagdukot
Lordeth Bonilla, Joy Cantos (Pang-masa) - March 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na binatilyong lalaki at isang 5-anyos na batang lalaki ang nakaligtas sa tangkang pagdukot sa kanila sa magkahiwalay na pangyayari sa lalawigan ng Sorsogon at Parañaque City, kamakalawa.

 

Sa ulat, nagawang makaligtas ni Francis Emer Berguera, 13, Grade 7 student sa tangkang  pagdukot sa kanya sa  harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon dakong alas-4:00 ng hapon.

Kararating lang ni Ber­guera sa harapan ng kanilang bahay galing sa eskuwela  nang biglang huminto ang isang kulay itim na van at puwersahan siyang kaladkarin ng dalawang naka-bonnet  na mga armadong kalalakihan papasok sa kanilang behikulo.

Nagpumiglas si Berguera at kinagat ang lala­king humahawak dito kaya nabitiwan ito at nagawang makatakbo sa loob ng bahay at  isinumbong sa ama. Nagmamadaling tumakas ang mga suspek sakay ng van na walang plaka.

Nadakip naman ang isang 19-anyos na si Princess Diana Estabillo, nakatira sa Lambakin Dulo, Marilao, Bulacan nang tangkang dukutin nito ang isang 5-anyos na batang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Baclaran, Parañaque City.

ABDUCTION KIDNAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with