Isyu ng Dengvaxia ‘wag gamitin sa pulitika
Malou Escudero (Pang-masa) - March 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil mapupunta na sa korte ang usapin, sinabi kahapon ng Palasyo na huwag nang gamitin sa pulitika ang isyu ng Dengvaxia.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gugulong na ang hustisya matapos makakita ng probable cause ang Department of Justice (DOJ) para sampahan ng kaso si dating Health Secretary Janette Garin at siyam na iba pa kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.

“The wheels of justice have began to grind for the victims and families of children who died allegedly because of the Dengvaxia vaccine with the Department of Justice (DOJ) finding probable cause to charge former officials responsible for the failed immunization program initiated during their time. Now that the legal process has taken its course, we wish everyone would finally stop politicizing the issue in the court of public opinion,” sabi ni Panelo.

Idinagdag pa ni Panelo na ang iba’t ibang opinyon tungkol sa Dengvaxia ay nagdudulot lamang ng takot sa panig ng mga magulang at nawawalan pa ng kredibilidad ang mga health programs ng gobyerno.

Idinagdag ni Panelo na dapat tanggapin ng mga defendants ang huling developments dahil mabibigyan sila ng pagkakataon na malinis ang kanilang mga pangalan at maipagtanggol ang sarili sa korte.

Tiniyak naman ni Panelo na hindi makikialam ang Malacañang sa proseso maliban sa Departmetn of Justices na ang trabaho ay habulin ang mga nagkasala.

DENGVAXIA JANETTE GARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with