Garin, 18 pa kasuhan sa Dengvaxia-DOJ
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isusulong ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kay dating Health Secretary Janette Garin at 18 iba pa matapos na may nakitang “probable cause” sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

 

Ayon sa resolusyon na ipinalabas ng DOJ na kabilang si Garin at 18 iba mula sa Department of Health (DOH), Food and Drugs Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at Sanofi Pasteur ang pinalilitis dahil sa paglabag sa Article 365, (in relation to Article 49) ng Revised Penal Code kaugnay sa pagkamatay ng walong nabakunahan.

Ayon sa DOJ, si Garin at iba pang respondents ay nakagawa ng “inexcusable lack of precaution and foresight when they facilitated, with undue haste, the registration and purchase of Dengvaxia, and used the vaccine in implementing a school-based dengue mass immunization program.”

Ang Dengvaxia vaccine ay naiturok sa mahigit 800,000 estudyante noong Abril 2016, subalit makalipas ang mahigit isang taon ay inihayag ng Sanofi Pasteur na may dalang panganib ang bakuna sa hindi pa tinatamaan ng dengue kaya’t ipinatigil ng DOH ang nasabing programa.

Ang nasabing re­solusyon ay para lamang sa 9 mula sa 35 complaints na inihain ng mga magulang ng Dengvaxia recipients.

Ibinasura naman ang reklamo laban kina Health Secretary Francisco Duque III at mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation.

JANETTE GARIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with