^

Police Metro

Oath-taking ng PDP-Laban sa San Juan, isinagawa

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, presidente ng PDP-Laban ang oath-taking ceremony sa mga bagong opisyal at miyembro ng kanilang partido sa San Juan City.

 

Si Cong. Ronny Zamora ang siyang itinalagang Pangulo ng PDP-Laban sa San Juan habang ang kanyang anak na si dating Vice Mayor Francis Zamora ang siyang itinalagang Secretary General ng partido sa lungsod.

 

Nabatid na si Francis Zamora ang siyang opis­yal na kandidato ng PDP-Laban sa pagka-akalde sa lungsod. Makakalaban niya si Vice Mayor Janella Marie Ejercito, anak ni dating Sen. Jinggoy Estarda na inalis sa partido ng Pangulong Duterte.

Plano ni Francis na magtayo ng makabagong ‘high rise public housing’, Medical Center, digitally connected smart city free wifi sa lahat ng barangays, pagpapatupad ng San Juañeno First Policy na magbibigay ng prayoridad sa lahat ng San Juañenos para sa pagkakaloob ng trabaho, transparent, accountable at corruption free.

Sinabi naman Sen. Pimentel na may magandang ‘track record’ at very much qualified sa posisyon, may solidong plataporma at malinis ang pangalan ng mag-amang Zamora sa larangan ng public service.

vuukle comment

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with