Number coding suspendido bukas
MANILA, Philippines — Ipinagbigay-alam kahapon sa publiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsususpinde bukas (Pebrero 25) ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahin lasangan sa Kalakhang Maynila.
Ito’y upang bigyang-daan ang paggunita ng ika-33-taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Kung kaya’t ang lahat ng behikulo sa malayang makakabagtas sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Nabatid, sa tuwing holiday ay awtomatikong sinususpendi ng MMDA ang pagpapatupad ng Number Coding.
- Latest