^

Police Metro

2 parak todas sa bakbakan vs NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang naitalang nasawi makaraang makasagupa ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

 

Sa ulat, bandang alas-9:40 ng umaga nang makasagupa ng puwersa ng tropa ng pamahalaan ang nagpupulasang miyembro ng NPA sa Sitio Imbrasan, Brgy. Mapayapa, San Jose ng lalawigang ito.

 

Kinilala naman ni Supt. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA Police ang mga nasawi na sina SPO1 Bonifacio Tacuyo at SPO2 Raymond Robles; pawang kasapi ng 1st Police Mobile Group Company. Nabatid na dakong alas-6:00 nang magkaroon ng 15 minutong bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng tinatayang mahigit 10 NPA rebels sa ilalim ng Platoon Mike ng Kilusang Larangan Guerilla Silangan.

Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa panig ng tropang gobyerno sa unang bakbakan habang binitbit naman ng mga rebelde sa kanilang pagtakas ang mga sugatan nilang mga kasamahan.

Narekober sa encounter site ang isang cal 30 caliber cap magazine at mga bala, dalawang cellular phone, sim cards, dalawang grenade launchers, medical paraphernalia at iba pa kabilang ang mga subersibong dokumento.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with