^

Police Metro

Crime rate sa Metro Manila, bumaba-NCRPO

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Crime rate sa Metro Manila, bumaba-NCRPO

MANILA, Philippines — Bumaba ang crime rate sa Metro Manila.

Ito ang naging pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar sa survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 1.8 milyong pamil­yang Pinoy ay nabiktima ng mga common crimes nitong nakalipas na anim na buwan.

Ipinunto ni Eleazar, na sa kabila ng pagbaba ang crime rate, inaasahan aniya ang “fluctuations”.

“Ang trend natin ay pagbaba ng krimen. ‘Yun pong pag-fluctuate basically expected po ‘yan.” ani Eleazar

Iginiit nito na sa loob ng 30-buwan ng Duterte administration, bumaba aniya sa 54 porsiyento ang crime rate kumpara aniya sa 30-buwan ng nakaraang administrasyon.

Samantala, ang tinutukoy na common crimes sa survey ay ang mga pandurukot o robbery of personal property, break-ins, car theft at physical violence.

Kung kaya’t tiniyak ni Eleazar na mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra kriminalidad lalo na ang giyera kontra droga.

“We really have to continue what we have started. Kaya mas lalo nating paiigtingin itong ating ginagawang operations against illegal drugs,” sabi pa ni Eleazar.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with