^

Police Metro

2 tulak todas sa drug bust

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na umano ay drug pusher ang napatay nang manlaban umano sa drug buy bust operation sa Antipolo City, lalawigan ng Rizal, kamakalawa ng gabi.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina alyas Julius, na nagpakila­lang pulis at kasamang si Rolando Tajan.

Sa ulat, bago ang shootout, dakong 11:50 ng gabi ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis ng Intel/City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Warrant Operatives sa Block 100, Lot 5, Ro­binson Homes, Barangay San Roque, Antipolo City, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa illegal drugs activities ni Julius.

Sa kasagsagan ng transaksiyon, nakahalata ang mga suspek na pulis ang ‘kliyente’ kaya’t nagbunot ng baril at nanlaban ngunit napatay.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa dalawang napatay na suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, shabu paraphernalia, at dalawang kalibre .38 revolvers.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with