3 rebeldeng NPA napatay
3 rebeldeng NPA napatay
Joy Cantos (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay sa magkahiwalay na engkuwentro ang tatlong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Oriental Mindoro at Surigao del Norte.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang makaengkuwentro ng tropa ng mga sundalo ang tinatayang 15 armadong rebelde sa Brgy. Teresita, Mansalay, Oriental Min­doro na kung saan ay agad namatay ang dalawang rebelde.

Ang ikalawang engkuwentro ay naganap bandang alas- 10:00 ng umaga kamakalawa nang makabakbakan ng tropa ng Armys 30th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng superbisyon ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang komunistang NPA rebels sa bisinidad ng Bgry. Muhanub, Gigaguit , Surigao del Norte at nasawi ang isang rebelde na inabandona ng mga kasama.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with