^

Police Metro

Dating rank classification sa PNP ibinalik

Rudy Andal, Malou Escudero - Pang-masa
Dating rank classification sa PNP ibinalik
Ang PNP chief na humahawak ng ranggong Director General o may 4-star rank ay mababago na sa ranggong Police General.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang bagong batas ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabalik sa dating rank classification ng mga opis­yal ng Philippine National Police (PNP).

Ang PNP chief na humahawak ng ranggong Director General o may 4-star rank ay mababago na sa ranggong Police General.

Ang mga opisyal na nasa kategoryang 3-star rank ay ikakabit na sa kanilang titulo ang police Lt. General mula sa dating Deputy Director General habang ang mga may 2 star rank na dating Police Director ay magiging Police Major General na.

Ang dating Chief Superintendent o 1-star rank Ge­neral ay magiging Brigadier General habang ang Senior Supt. ay magiging Police Lieutenant Colonel na.

Inalis na rin ang ranggong Police Chief Inspector at ibinalik na sa Police Major gayundin ang Senior Inspector ay ibinalik sa Police Captain.

Tatawagin na ngayong Police Executive Master Sergeant ang may ranggong SPO4; Police Chief Master Sergeant ang SPO 3 habang ang SPO2 ay magiging Police Senior Master Sergeant na ngayon at wala na rin ngayong SPO1 kundi ito ay Police Master Sergeant at Police Staff Sergeant. Ang PO1 sa kasalukuyan ay tatawagin na ngayong Patrolman/Patrolwoman.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with