^

Police Metro

8 prisoners of war ng NPA pinalaya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang buwang pagka­kabihag sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay tuluyan nang pinalaya ang dalawang sundalo at anim na CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) nitong Martes ng hapon sa isang lugar sa Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Kinumpirma ni AFP-Eastern Mindanao Command Commander Major Gen. Felimon Santos Jr., na pinakawalan na ang 8 Prisoners of War (POWs) matapos ang dalawang buwang pagkakabihag.

Una nang pinakawalan ang 6 CAFGU noong Pebrero 14 sa Brgy. San Juan, Bayugan City at sumunod naman noong Pebrero 18 ang dalawang sundalo sa Brgy. San Antonio, Remedios Trinidad, Agusan del Norte.

Ang walong pinala­yang bihag ay sina CAAs (Cafgu Active Auxilary) Jimuel Acebedo; Abel Iligan; Jan-jan Iligan; Rolando Quiao; Gabriel Iligan at James Iligan gayundin sina Cpl. Eric Manangan at PFC. Darlino Carino.

Magugunita Noong Disyembre 19 ng nakalipas na taon ay binihag ng NPA rebels ang 2 sundalo at 12 CAFGU matapos sumalakay ang 50-80 nitong armadong miyembro sa kanilang patrol base sa Brgy. New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur kung saan nakatangay din ang mga ito ng malalakas na kalibre ng armas.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with