^

Police Metro

Kagawad itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa
Kagawad itinumba ng tandem
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:07 ng hapon sa 1st Alley ng S. Reyes St., ay nakaupo ang biktima sa entrance gate nang sumulpot ang gunman at walang kaabog-abog na pagbabarilin sa ulo.

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 48-anyos na barangay kagawad nang pagbabarilin ito ng isang lalaki kamakalawa sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Alfredo Ortega Hicana, alyas “Gerry Bok”, kagawad ng Brgy. 356, Zone 36, District 3 at residente ng no. 2318 Severino Reyes St, Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:07 ng hapon sa 1st Alley ng S. Reyes St., ay nakaupo ang biktima sa entrance gate nang sumulpot ang gunman at walang kaabog-abog na pagbabarilin sa ulo.

Nang bumagsak ang biktima ay sumakay ang gunman sa isang motorsiklo ng naghihintay at mabilis na tumakas patungo sa Laguna St., palabas ng Jose Abad Santos St.

Nakunan ng CCTV ang gunman na nakasuot ng kulay puti na t-shirt, dark colored shortpants, may beltbag at walang suot na sumbrero o helmet at may kaputian ang mukha, maikli o clean cut ang buhok.

vuukle comment

ALFREDO ORTEGA HICANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with