Joy B inilunsad ang Camp Pag-ibig
MANILA, Philippines — Inilunsad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang Camp Pag-ibig na layuning paunlarin ang kaalaman sa pakikiisa ng mga batang may kapansanan sa mga akitibidad na higit na makakatulong sa kanila na maturuang makihalubilo at makibahagi sa ibang tao sa bawat komunidad na ginagalawan.
Binanggit ni Belmonte ang kahalagahan ng iba’t ibang aktibidad na nagbibigay ng ‘inclusivity and engagement’ sa mga children with disabilities (CWDs) upang ilabas ang kanilang mga talento habang pinapaunlad ang kanilang kakayahan sa pakikipag kapwa tao.
Kabilang sa mga aktibidad sa Camp Pag-ibig ay ang pagkakaroon ng parent’s forum, training sa first aid at disaster management, at iba pang sub-camp activities tulad ng arts and crafts, swimming, water play, nature love, games and sports, at music and dance.
- Latest