^

Police Metro

Naningil ng utang binayaran ng saksak, patay

Lordeth Bonilla - Philstar.com
Naningil ng utang binayaran ng saksak, patay
Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:40 ng hapon ay sinisingil ng biktima ang suspek sa matagal na nitong utang na ikinairita ng huli.

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival ang isang 47-an­yos na lalaki matapos maubusan ng dugo nang saksakin ng isang lolo na sinisingil nito ng utang kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang nasawi ay kinilalang si Joel De Leon, na naubusan ng dugo nang masaksak ng suspek na si Romeo Regalado, 61-an­yos sa binti.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:40 ng hapon ay sinisingil ng biktima ang suspek sa matagal na nitong utang na ikinairita ng huli.

Dito ay nagalit ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang biktima at tinangkang saksakin ang una.

Nagbuno ang dalawa hanggang sa maagaw ng suspek ang patalim at nasaksak sa kanang binti ang biktima.

Ilang kapitbahay ang sumaklolo sa biktima at dinala sa ospital, subalit hindi ito umabot ng buhay matapos maubusan ng dugo.

vuukle comment

JOEL DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with