^

Police Metro

1 pang bloke ng cocaine nalambat sa dagat

Joy Cantos - Philstar.com
1 pang bloke ng cocaine nalambat sa dagat
Batay sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Osmundo de Guzman, dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang isang brick ng cocaine ng tanod na si Johnel Escudero sa hangga­nan ng karagatan ng Brgy. Rosario at Brgy. San Jose.
File

MANILA, Philippines — Isa na namang bloke ng cocaine ang narekober sa dagat ng isang barangay tanod sa bayan ng Mauban, Quezon.

Batay sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Osmundo de Guzman, dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang isang brick ng cocaine ng tanod na si Johnel Escudero sa hangga­nan ng karagatan ng Brgy. Rosario at Brgy. San Jose.

Hinihinala na ang nasabing isang brick ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.4 milyon ay bahagi ng floating cocaine na ipinalulusot ng sindikato ng droga sa dagat ay nakabalot ng makapal na packa­ging na palutang-lutang sa karagatan.

Magugunita na kamakailan ay narekober ang 88 bloke ng cocaine na palutang lutang sa karagatan ng Siargao at Dinagat Islands sa Caraga Region na nagkakahalaga ng kalahating bilyon.

Sumunod namang narekober ang isang bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.4 M sa karagatan ng Vinzons, Camarines Norte.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with