^

Police Metro

Mister nalitson sa sunog

Mer Layson - Philstar.com
Mister nalitson sa sunog
Batay sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay mismo ng biktima na mga sandaling iyon ay mahimbing na natutulog.
CC0 Creative Commons

MANILA, Philippines — Nalitson nang buhay ang isang 62-anyos na lalaki matapos na hindi makalabas sa nasusunog niyang bahay sa Barangay Barangka, Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Raymundo Liwanag Jr., 62, ahente ng funeral homes, residente ng Ayala Homes Subdivision, Ilang-ilang Street, Barangay Drive, Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay mismo ng biktima na mga sandaling iyon ay mahimbing na natutulog.

Lumabas sa imbestigasyon na nakakandado ang pintuan mula sa loob ng bahay kaya’t ito ang dahilan kaya hindi nakalabas ang biktima.

Nagkataon na umuwi ng lalawigan ang misis ng biktima.

Ang sunog na bangkay ng biktima ay natagpuan malapit sa poste ng unang palapag ng kanyang tahanan.

Inabot lamang sa unang alarma ang sunog bago naideklarang fireout at inaalam pa ang dahilan ng sunog.

vuukle comment

FIRE

RAYMUNDO LIWANAG JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with