Kahit tambak ang mga NFA rice sa kanilang bodega sa Quezon City ay gagamitin lang ang mga ito sa emergency at kalamidad at hindi ipinagbibili  matapos na aprubahan ni Pangulong Duterte ang pagtanggal sa kanilang kapangyarihan na mag-import.
Kahit tambak ang mga NFA rice sa kanilang bodega sa Quezon City ay gagamitin lang ang mga ito sa emergency at kalamidad at hindi ipinagbibili matapos na aprubahan ni Pangulong Duterte ang pagtanggal sa kanilang kapangyarihan na mag-import.
Michael Varcas
NFA tinangkang harangin ang rice tariffication law
Malou Escudero (philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Senator Cynthia Villar na tinangkang harangin ng National Food Authority ang Rice Tariffication Law dahil ayaw nitong mawala sa kanila ang kontrol sa pag-import ng bigas.

Agad na nilinaw ni Villar na tanging ang kontrol sa pag-import ng bigas ang inalis sa NFA at hindi ang kapangyarihan na mamili sa mga local farmers ng bigas para maibenta sa mga mamamayan sa mas mababang halaga.

Nakatitiyak din si Villar na hindi totoong mga magsasaka ang tumututol sa Rice Tariffication Law kung hindi ang mga nakikinabang sa dating sistema.

Idinagdag ni Villar na kung mahal talaga ng pinuno ng NFA ang mga mamamayan ay inistabilize nito ang presyo ng bigas gayung hindi nila napigil na nagbebenta ng P45, P55 at P65 noong last quarter of the year.

CYNTHIA VILLAR NATIONAL FOOD AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with