Mag-asawang nakamotor todas sa pick-up
Raymund Catindig (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Nakabundol ng asong tumatawid...

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang hindi na umabot ng buhay sa ospital nang mabangga ng isang pick-up truck matapos na mabundol nila ang asong tumatawid, kamakalawa ng gabi sa highway ng Brgy. Lapting, San Juan, Ilocos Sur.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Abel Andallo, 28 at Jane, 28.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay minamaneho ni Abel ang motorsiklo angkas si Jane at binabagtas ang nasabing highway nang biglang tumawid ang isang aso at kanilang nabangga dahilan para sila ay mawalan ng kontrol sa manibela at napunta sa kabilang kalsada na siya namang pagdating ng isang Mitsubishi Strada pick-up na minamaneho ni Jennifer Navarro, 38 kaya’t nabundol ang mag-asawa.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Navarro at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.

ABEL ANDALLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with