Sinabi ni PNP Chief P/ Director General Oscar Albayalde kabilang dito ay ang modernisasyon ng PNP Maritime Group kung saan bibili ng karagdagang motorized patrol boats at paiigtingin din ang recruitment at pagsasanay sa mga personnels para sa maritime operations.
Michael Varcas
Patrulya sa karagatan paiigtingin pa - Albayalde
Joy Cantos (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matigil na ang drug smuggling sa bansa na ginagamit ay ang karagatan ay lalo pang palalakasin ng Philippine National Police ( PNP ) ang pagpapatrulya sa karagatan.

Ito ay dahil sa magkasunod nang pagkakarekober nitong Pebrero 12 at nitong nakalipas na Biyernes ng cocaine na aabot sa kalahating bilyon sa karagatan ng Siargao at Dinagat Islands sa Caraga Region.

Sinabi ni PNP Chief P/ Director General Oscar Albayalde kabilang dito ay ang modernisasyon ng PNP Maritime Group kung saan bibili ng karagdagang motorized patrol boats at paiigtingin din ang recruitment at pagsasanay sa mga personnels para sa maritime operations.

Sa panig ni PNP Maritime Group Director P/Chuef Supt Rodelio Jocson, bumili ang kaniyang tanggapan ng 28 gunboats nitong nakalipas na taon kung saan pito na ang nai-deliver at 21 pa ang inaasahang darating.
Bukod sa mga bagong patrol gunboats ay parating na rin ang mga biniling bagong drones na pang surveillance ng PNP Maritime Group na magpapalakas sa pagpapa­trulya.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with