‘Job invasion’ ng Chinese workers itigil-Mar
‘Job invasion’ ng Chinese workers itigil-Mar
(Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipatigil sa lalong madaling panahon nang pagbibigay ng working permit sa mga Chinese na patuloy na dumadagsa simula pa noong nakaraang taon.

Ito ang naging pa­nawagan ni dating Trade and Industry secretary Mar Roxas na kilalang father of call centers dahil sa naagawan ang pagkakataon ng mga Pinoy na makakuha ng trabaho.

Anya,walang problema kung Chinese language ang expertise ng mga kinukuhang manggagawang Tsino dahil kailangan talaga iyon para sa Chinese market sa mga Business Process Outsourcing o BPO.

“Pero kung skilled at physical jobs tulad ng karpintero, mason, welder at mga katulad nito, aba’y marami  mga kababayan kahit saang sulok ng Pilipinas ang magaling sa ganyang larangan. Ang tanong, bakit may Chinese na pinapapasok para sa ganyang trabaho?,” wika ni Roxas.

Batay sa mga ulat, ang DOLE ay nag-isyu ng 119,000 Alien Employment Permits (AEPs) sa nakaraang 2018 at mahigit kalahati rito o 52,000 ay ibinigay sa mga Chinese workers na lantaran na umano itong “pananakop” sa sikmura ng bawat pamil­yang Pilipino na hindi makakuha ng trabaho dahil naibigay na sa mga Tsino.

CHINESE WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with