Mga sangkot sa insertion budget kakasuhan ng plunder
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasong plunder ang kakaharapin ng mga mapapatunayang sangkot sa kutsabahan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kontrobersiyal na P75 bilyon insertion national budget.

Ito ang naihayag sa isang radio interview ni House Committee on Go­vernment Accountability (HCGA) Vice Chairman Rep. Anthony Bravo at isinaad din nito na ipatatawag ang mga DPWH officials na sina Usec. Cathy Cabral;Programming Chief Mila Manalaysay at isang nagngangalang Aneth na tauhan ni Cabral, dahil ang mga ito umano ang naghanda at nagsumite ng proposed budget draft sa DBM.

Ang naturang kontro­bersiya ay matagal nang dinidinig ng Kongreso at Senado, na inakusahan pa nina Majority Leader Camarines Sur Rep. Rolando Andaya at Minority Leader Quezon Rep. Danilo Suarez na si Budget Secretary Benjamin Diokno ang umano’y mastermind sa P75 bilyon insertion national budget.

Ipinunto ni Cong. Bravo na ang susi umano sa paglutas ng nasabing kontrobersiya ay nasa kaalaman ng mga opisyal na sina Cabral at Manalaysay na kinakailangan isailalim sa committee hearing para mapalutang kung sino ang mastermind ng kontro­bersiyang national budget insertion.

NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with