Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi noong Sabado nang marekober ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi noong Sabado nang marekober ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle.
File
P5.2-M cocaine nasabat uli sa dagat
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P5.2 milyon bloke ng cocaine ang muling nasabat ng mga otoridad sa baybayin ng karagatan ng Paracale sa Camarines Norte.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi noong Sabado nang marekober ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle.

Nabatid na dakong alas-10:40 ng umaga nang makatanggap ng sumbong ang PNP PRO-Region 5 na may nadiskubreng bloke ng cocaine ang isang Norlyn Ludiana, 46, sa nasabing lugar na nakabalot sa isang brown na duct tape na may nakasulat na “Lexus” at nang buksan ay nakita ang malapulbos na sangkap.

Kinumpirma naman ng Regional crime laboratory na ang nasabing sangkap ay cocaine na may timbang na 989.23 grams  at may estimated value na P5.2 milyon.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay nakarekober din ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kabuuang 77 bloke ng cocaine sa baybayin ng Siargao Islands at Dinagat Islands sa Caraga Region.

COCAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with