Sa ulat,bago nangyari ang pamamaril dakong alas-3:08 ng hapon sa southbound lane ng EDSA, kanto ng Reliance St.,Mandaluyong ay lulan ng isang puting Toyota Hi Ace (NOS-361) ang mga biktima at binabagtas ang lugar nang bigla na lang silang tabihan ng motorsiklo ng mga suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala.
File
Trader, driver utas sa tandem
Mer Layson (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang negosyante at driver nito habang sugatan ang kasama nilang babae nang sila ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects kahapon ng hapon sa Mandalu­yong City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jose Ruiz Yulo, 62, negosyante, ng Alabang, Muntinlupa City at kanyang driver na si Nomer “Allan” Santos, 51, habang sugatan at isinugod na sa VRP Hospital ang kasama nilang babae na si Esmeralda Ignacio, 38, ng Las Piñas City.

Sa ulat,bago nangyari ang pamamaril dakong alas-3:08 ng hapon sa southbound lane ng EDSA, kanto ng Reliance St.,Mandaluyong ay  lulan ng isang puting Toyota Hi Ace (NOS-361) ang mga biktima at binabagtas ang lugar nang bigla na lang silang tabihan ng motorsiklo ng mga suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala.

Nang matiyak na tinamaan ang mga target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with