^

Police Metro

Misis salpok sa traffic sign, tigok

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 34-anyos na misis na rider matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa metal traffic signage sa tabi ng kalsada sa harap mismo ng opisina ng Land Transportation Office sa Brgy.Victory Village sa Legazpi City, Albay, kamakalawa ng umaga.

Namatay habang isinusugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Maricel Buragay, residente ng Brgy. Dinagaan.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, lulan ng kanyang Honda Beat na motorsiklo at pauwi na ang biktima galing ng Brgy. Puro nang mawalan ng kontrol sa manibela at malakas na sumalpok sa “No Parking” signage sa tabi ng kalsada.

Sa lakas nang pagkakabangga, nawalan ng malay ang biktima at duguang isinugod sa ospital pero di na umabot nang buhay.

vuukle comment

TIGOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with