^

Police Metro

Tito Sen, full support kay Sen. Grace Poe

Pang-masa

MANILA, Philippines — Lubos ang suporta ni Senate President Vicente Sotto III at iba pang senador sa kandidatura ni Senator Grace Poe na naglunsad ng malaking political rally nitong Miyerkules ng hapon sa Tondo, Maynila na dinumog ng mga tagasuporta niya, lalo ng mga tagahanga ni action king Fernando Poe Jr. o FPJ.

“Talaga namang full support ako sa kandidatura ni Sen. Grace Poe dahil nagmula kami sa industriya ng showbiz pero napatunayan namin na may kakayahan kami para maluklok sa Sena­do,” ani Sotto.

“Maipagmamalaki ang kanyang achievements sa Senado at nagpakita siya ng political will lalo sa isyu ng minimum age of criminal res­ponsibility na hindi dapat ibaba mula sa 15-anyos.”

Bukod kay Sotto, full support din kay Poe ang mga reeleksiyonistang sina Aquilino “Koko” Pimentel III ng ruling PDP-Laban, Cynthia Villar ng Nacionalista Party, Maria Lourdes “Nancy” Binay ng Uni-ted Nationalist Alliance, Joseph Victor “JV” Ejercito ng Nationalist People’s Coalition, at Juan Edgardo “Sonny” Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino.

Tumatakbong independiyente, idiniin ni Poe na ang pagtitipon sa Tondo ay isang pagpapa-kita ng lakas, pagkakaisa at estratehikong alyansa ng mga nanunungkulang senador.

“Masaya ako sa aking pagbabalik dito sa Tondo. Wari ko parang dito ako nakatira. Nararamdaman kong anak ako ng Tondo dahil si FPJ ay inyong kasama.  Pinalaki ako ni FPJ na maging matatag, may puso at maysikap na babaeng nasa inyong harapan ngayon upang maibalik ko naman ito sa inyo,” masayang sinabi ni Poe.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with