Jinggoy suportado ni Duterte kahit ‘di inendorso
MANILA, Philippines — Patuloy na susuportahan ni dating Senador Jinggoy Estrada si Pa-ngulong Rodrigo Duterte kahit hindi siya kasama sa inendorso nito.
Ito ang inihayag ni Estrada, na nag-aasam na makabalik sa Senado sa May 13 midterm elections.
Aniya, ginagalang niya ang desisyon ni Pangulong Duterte na suportahan ang mga senatorial candidates ng PDP-Laban at kahit walang endorso ng pangulo ay susuportahan pa rin niya mga programa.
Aminado si Estrada na malaking tulong sa kanyang kandidatura ang pa-eendorso ni Pangulong Duterte, tiwala rin siya na susuportahan pa rin ng milyong Pilipino ang kanyang kandidatura upang muling makapagsilbi sa bayan at makikita ang kanyang magandang track record, legislative accomplishments at serbisyo upang maia-ngat ang pamumuhay ng masang Pilipino.
- Latest