Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ay naka-upo sa duyan ang biktima kasama ang kanyang misis na si Isabel at dalawang taong gulang na anak na babae nang biglang sumulpot sa likurang bahagi ng kanilang bahay ang dalawang suspek at isa dito ang bumunot ng baril at dalawang beses na binaril ang biktima.
File
Tatay pinatay kaharap ang kanyang mag-ina
Jorge Hallare (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ang isang mister ng dalawang lalaki habang ang una ay katabi ang misis at paslit na anak habang nagpapahinga sa likod ng kanilang bahay sa Purok 5, Brgy. Cabitan, Mandaon, Masbate, kamakalawa. Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Feliciano Olado, 28 habang nakilala naman ng misis ang isa sa namaril sa kanyang mister na si Ruel Relano, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ay naka-upo sa duyan ang biktima kasama ang kanyang misis na si Isabel at dalawang taong gulang na anak na babae nang biglang sumulpot sa likurang bahagi ng kanilang bahay ang dalawang suspek at isa dito ang bumunot ng baril at dalawang beses na binaril ang biktima.

Kahit na may tama ay nagtatakbo ang biktima, pero hinabol pa rin siya ni Relano at nang maabutan ay muling pinagbabaril na kitang kita ng kanyang mag-ina na hindi agad nakakilos sa sobrang takot.

Nabatid na may dati nang alitan ang biktima at si Relano.

FELICIANO OLADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with