Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na nakakitaan ng probable cause ang pangyayari kaya’t naghain ng kaso ang BI legal division.
The STAR/Boy Santos
‘Taho-thrower’ ipapa-deport ng BI
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsampa ang legal division ng Bureau of Immigration ng deportation case laban sa Chinese national na si Zhang Jiale, 23 sa ginawa nitong pagsaboy ng dala nitong taho sa isang pulis na sumita sa kanya sa MRT Station-Mandaluyong noong Sabado.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na nakakitaan ng probable cause ang pangyayari kaya’t naghain ng kaso ang BI legal division.

Magugunita na pi­nigilan ni PO1 William Cristobal na makapasok sa MRT station si Zhang na may dalang taho dahil sa ipinagbabawal ang anumang uri ng likido na ipasok sa tren.

Nainis si Zhang kaya’ ibinato nito ang dalang taho kay PO1 Cristobal na nag-viral sa social media ang larawan ng pagbato ng taho.

Si Zhang ay awtomatikong ilalagay sa watchlist ng BI.

Dumating sa bansa si Zhang noong October 2018 na may hawak na Special Resident Retiree’s Visa.

ZHANG JIALE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with