Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na seryosong kinokunsidera ng PNP ang mag-adjust ng kanilang deployment sa kanilang unit matapos lumabas na 701 lugar ang nasa election hotspots na bumubuo ng 42 porsiyento ng 1,634 lungsod at bayan.
File
701 election ‘hotspots’ tututukan ng PNP
Joy Cantos (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 40 porsi­yento ng bayan at lungsod sa bansa ang itinuring ng Philippine Natio­nal Police na nasa elections “hotspots” matapos magsimula kahapon ang campaign period para sa tumatakbong senador at partylist congressman sa 2019  midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde na seryosong kinokunsidera ng PNP ang mag-adjust ng kanilang deployment sa kanilang unit matapos lumabas na 701 lugar ang nasa election hotspots na bumubuo ng 42 porsiyento ng 1,634 lungsod at bayan.

Sa 223 lugar na “areas of concern” ay isinailalim sa yellow category na ang ibig sabihin ay mainit dito ang political rivalry o may kasaysayan na election-related incident sa nakalipas ng dalawang halalan na isinailalim ng Commission on Elections’ control.

Ang 382 “areas of immediate concern” ay isinailalim sa orange category dahil sa seryosong banta mula sa mga armadong grupo tulad ng NPA rebels, Muslim rebels at mga bandido tulad ng Abu Sayyaf Group.

Sa code red areas, 27 ang nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), 19 sa Bicol Region, tig 7 sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), tig-anim sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at Western Visayas; lima sa Northern Mindanao, tig-4 sa SOCSKSARGEN (South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, Ge­neral Santos City at Cordillera, 3 sa Eastern Visayas , tig-2 sa Central Luzon at Davao Region.

Samantalang tig-isa sa CARAGA Region at Cagayan Valley Region habang wala namang itinuturing na red areas sa National Capital Region at Ilocos Region.

Nabatid na ang ARMM ang may pinakamalaking bilang ng nasa red category na may 27 lugar na pinapangalawahan naman ng Bicol Region na nasa 19 lugar.

Una nang isinailalim sa Comelec control ang  Cotabato City matapos ang pambobomba sa Southeast mall sa lungsod na ikinasawi ng da­lawa katao habang 11 pa ang nasugatan noong Disyembre 2018.

Samantalang ang Daraga, Albay ay isinailalim rin sa kontrol ng Comelec matapos ang pagpatay kay Ako Bicol Party­list Rep. Rodel Batocabe noong Disyembre 22 ng nagdaang taon.

Ang campaign period para sa lokal na level ay mag-uumpisa naman sa Marso 12 ng taong ito  para sa mga lokal na kandidato.

ELECTION OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with