Agad umanong nagpaputok ang mga suspect kung saan mabilis na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa shootout ng magkabilang panig na ilang saglit pa ay ­­isa-isang duguang bumulagta at napatay.
File
Quezon City shootout: 5 gunrunner todas
Joy Cantos (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang lider ng gun running syndicates at apat nitong miyembro naganap na shootout sa isang compound sa Brgy. Fairview, Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ang napatay na lider na si Michael Desuyo, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng apat nitong tauhan.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., bago nangyari ang shootout dakong ­alas-5:10 ng hapon sa panulukan ng Dahlia at Iris Street sa Brgy. Fairview ay nagsasagawa ng buy bust operations ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District sa nasabing lugar matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na pagbebenta ng armas ng Desuyo gun running syndicate.

Habang isinasagawa ng kanilang undercover agent ang transakyon sa pagbili ng 12 units ng cal 38 revolver (Armscor 202) at akmang aarestuhin si Desuyo ay kumasa ito at ang kaniyang mga tauhan sa mga operatiba.

Agad umanong nagpaputok ang mga suspect kung saan mabilis na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa shootout ng magkabilang panig na ilang saglit pa ay ­­isa-isang duguang bumulagta at napatay.

Narekober sa operasyon  ang 95 piraso ng P1,000 buy bust money, 12 piraso ng cal 38 (202) Armscor revolver, dalawang piraso ng cal 45 pistol na may magazine at mga bala, tatlong pi­raso ng cal 38 revolver.

GUN RUNNING SYNDICATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with