Pia Cayetano sa mga ina: Ibalik ang tiwala sa bakuna
(Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinimok ni House Deputy Speaker Pia S. Cayetano ang mga ina na ibalik ang kanilang tiwala sa mga bakunang subok nang nakakapigil sa mga sakit tulad ng tigdas, polio, chicken pox at iba pa.

Ito ang naging pa­nawagan ni Cayetano sa mga nanay at sa lahat ng dumalo sa unang campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Pampanga tungkol sa seryosong problema ng tigdas na dapat ay pabakunahan ng mga ina na ang kanilang mga anak upang mai­ligtas sila sa mga mas seryosong komplikasyon ng sakit.

Sa kanyang talumpati, naikwento niya ang kanyang personal na karanasan, kung saan namatayan siya ng anak dahil pina­nganak itong maraming kapansanan.

“Dinadasal ko, sana may bakuna para sa sakit ng anak ko, nang hindi siya nagkaganoon,” pag-alala ni Cayetano sa na­ging karanasan niya bilang ina.

“Nawalan ako ng anak, hindi ko kagagawan, ‘yun na talaga ang tadhana namin. Pero ‘yung hindi lang nabakunahan, maiiwasan po ‘yun,” paalala niya sa mga inang patuloy pa ding nagdududa sa kahalagahan ng bakuna.

Nanindigan si Ca­yetano na sa kanyang araw-araw na pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, patuloy siyang mananawagan at makikiusap sa mga nanay na ibalik ang kanilang tiwala sa bakuna dahil ayaw niyang may isa pang ina na mawalan ng anak.

“Malapit yan (immunization) sa puso ko dahil ho ako ‘yung may-akda ng Mandatory Immunization, isa sa unang batas ko nung ako ho’y pumasok sa Senado,” panimula ni Ca­yetano, ang pangunahing may-akda ng Mandatory Infants and Children Immunization Act (Republic Act 10152).

PIA CAYETANO VACCINATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with