Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.
Angkas muling aarangkada
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis ay ina­prubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

Binigyang-diin din ni House Committee on Me-tro Manila Development chairman Rep. Winston Castelo na ang provisional authority para sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Angkas ay lubhang kailangan ng libu-libong mananakay na araw-araw na nahihirapan sa kanilang pagko-commute. Mala-king tulong din ito, aniya, upang muling magkaroon ng hanapbuhay ang may 27,000 Angkas-biker partners na nawalan ng kita simula nang magbaba ang Korte Suprema ng TRO noong Disyembre.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpupulong ng TWG.

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with