Sa salaysay ng mag-amang Alfredo Vega, 61; at Alfredo Jr., sa pulisya na dakong alas-11:55 ng tanghali habang sila ay nangingisda ay nakita nila ang isang kahon na nakabalot sa itim na plastic bag at nakapackaging tape na palutang-lutang sa dagat malapit sa Quinamnucan Island na sakop ng Brgy.Sula.
File
P5.4-M cocaine nalambat sa dagat
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip na mga isda ang nalambat ng mag-amang mangingisda ay 1 kilo ng cocaine na nakalagay sa kahon ang kanilang nakuha habang ito ay palutang-lutang sa dagat na sakop ng Vinzons, Camarines Norte, kamakalawa.

Sa salaysay ng mag-amang Alfredo Vega, 61; at Alfredo Jr., sa pulisya na dakong alas-11:55 ng tanghali habang sila ay nangingisda ay nakita nila ang isang kahon na nakabalot sa itim na plastic bag at nakapackaging tape na palutang-lutang sa dagat malapit sa Quinamnucan Island na sakop ng Brgy.Sula.

Agad silang kinutuban na droga ang laman kaya’t nilambat nila ito at nang makarating sa pampang ay agad nila itong ipinaalam sa kanilang barangay na siya namang nagsabi sa pulisya.

Nang isailalim ng pulisya sa laboratory test ang laman ng kahon na tumitim­bang ng 1,026,19 gramo ay nakumpirma sa cocaine ito na ang halaga ay aabot sa  P5,438,807.00.

Magugunita  na noong Abril 15 at Abril 22 ng nakalipas na taon ay nalambat ng mga mangi-ngisda sa Perez, Quezon kung saan nasa 28 kilo ng cocaine na may katumbas na halagang P 280-M ang narekober.

Nasa 16.5 litro naman ng likidong kemikal  na makakagawa ng 13 kilo ng cocaine na may katumbas na halagang P130-M ang nakuha naman sa Lamon Bay habang noong Abril 22 ay sumunod na narekober ang tracking device sa karagatan ng Vinzons ng lalawigan.

Pinasalamatan naman ng mga pulis ang mag amang Vega dahil sa naisipang ibigay ang nakuhang kahon na may lamang cocaine sa mga otoridad at hindi na nakarating pa sa mga sindikatong nagpapakalat ng droga.

COCAINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with