Sa mga nakaraang speeches ng Pangulo sa mga dinaluhan nitong mga events ay hayagan ang pag-eendorso nito kina dating SAP Bong Go, dating Bucor chief Ronald dela Rosa, dating Political Presidential Adviser Francis Tolentino at singer-composer na si Freddie Aguilar.
File
Duterte pili ang ieendorsong senatorial at partylist
Rudy Andal (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula nga-yong araw ng kampanya ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa-nelo na pili lang ang ieendorsong senatorial candidate at partylist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anya, mayroong sari-ling kandidato si Pangulong Duterte na kanyang ikakampanya tulad ng mga naunang pahayag nito sa kanyang mga speeches.

Sa mga nakaraang speeches ng Pangulo sa mga dinaluhan nitong mga events ay hayagan ang pag-eendorso nito kina dating SAP Bong Go, dating Bucor chief Ronald dela Rosa, dating Political Presidential Adviser Francis Tolentino at singer-composer na si Freddie Aguilar.

Inendorso rin nito sa magkakahiwalay na events sina former Sen. Jinggoy Estrada, Sen. JV Ejercito, dating Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Idinagdag pa ni Pa-nelo, hayagan namang sinasabi ni Pangulong Duterte na may ilan siyang ikakampanya tulad nina Bong Go, Bato, Tolentino at Aguilar gayundin si Imee dahil mga may utang na loob siya rito.

Magkakaiba ang senatorial slate ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte sa senatorial ticket ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with