Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na nakahanda na ang lahat ng security measures para sa pagsi­simula ng campaign period sa national level na tatagal ng 90 araw.
File
Campaign period simula ngayon
Joy Cantos (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

PNP pinaigting ang seguridad...

MANILA, Philippines — Pinaigting ng Philip­pine National Police (PNP) ang seguridad sa buong bansa bunga ng pag-arangkada ng kam-panya ngayong araw ng mga tumatakbong senador at partylist congressmen kaugnay ng gagana-ping midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde na nakahanda na ang lahat ng security measures para sa pagsi­simula ng campaign period sa national level na tatagal ng 90 araw.

Sinabi ni Albayalde, na may mga bago silang listahan ng hotspot areas na patuloy na isinasai-lalim sa pagba-validate ng PNP sa pakikipagkoordinasyon sa Commission on Elections (Comelec ) at AFP.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay sinabi ni Albayalde na nasa 19 bayan, siyudad at munisipalidad sa Luzon at Mindanao ang isinailalim sa Election Watchlist Areas (EWAS) para sa nalalapit na May 2019 midterm polls tulad ng bayan ng Sudipen at Balaoan sa La Union; Jones sa Isabela ; Lemery sa Batangas; Rozas sa Oriental Mindoro; Balud at Dimasalang sa Masbate at Daraga sa lalawigan naman ng Albay.

Kabilang pa sa talaan ay mula sa rehiyon ng Mindanao na kinabibila-ngan naman ng Pagadian City, Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City ; Hadji Mohammad Ajul; Tipo-Tipo at Lantawan sa Basilan; Sultan Duma­lundong; Mamasapano, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha at Datu Unsay sa Maguindanao gayundin ang Marawi City sa Lanao del Sur.

Ang nasabing mga lugar ay may mga na­i­talang insidente ng karahasan, presensya ng mga armadong grupo at mga banta sa pambansang seguridad na naging basehan para ibilang ito sa listahan ng hotspot. 

PHILIP­PINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with