Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga mediamen kung isinurender na ng pamahalaan ang Kagitingan Reef matapos na pasalamatan ang China sa pagtatayo dito ng rescue center.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga mediamen kung isinurender na ng pamahalaan ang Kagitingan Reef matapos na pasalamatan ang China sa pagtatayo dito ng rescue center.
Geremy Pintolo
DND chief: Wala pang isinusukong teritoryo ang Pinas sa China
Joy Cantos (Pang-masa) - February 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “We have not, and we will never surrender any part of our territory”!

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga mediamen kung isinurender na ng pamahalaan ang Kagitingan Reef matapos na pasalamatan ang China sa pagtatayo dito ng rescue center.

Ginawa ng Kalihim ang pahayag sa gitna na rin ng mga espekulasyon na isinuko na ng administrasyon ang Kagitingan Reef sa China matapos itong pasalamatan sa pagtatayo ng rescue center.

Binigyang diin ni  Lorenzana na muling nanawagan ang pamahalaan sa China at iba pang bansang kaagaw nito sa teritoryo sa West Philippine Sea ( South China Sea )  na isapinal na ang katanggap –tanggap na Code of Conduct sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.

Ang Spratly Islands sa West Philippine Sea ay pinag-aagawan ng Pilipinas, Brunei, Taiwan, Malaysia  kung saan ang pinakaagresibo ay ang China.

Sinabi ni Lorenzana  na nanatili ang presensya ng AFP troops sa hurisdiksyon ng bansa sa Exclusive Economic Zone (EEZ)  na kahit  limitado ang resources ay mahigpit na binabantayan maging ang pinakamalayo mang teritoryo ng bansa.

Kaugnay nito, muli namang iginiit ni Lorenzana ang pangangailangan upang irebisa ang Mutual Defense Treaty (MDT).

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with