Nakapaligid ang mga miyembro ng Manila Police District SWAT team para bigyan ng seguridad ang bisinidad ng Quiapo Church para sa misa kahapon.
Nakapaligid ang mga miyembro ng Manila Police District SWAT team para bigyan ng seguridad ang bisinidad ng Quiapo Church para sa misa kahapon.
Edd Gumban
Jolo bombing gawa ng Indon couples
Joy Cantos (Pang-masa) - February 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Interior Secretary Eduardo Año na Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng kambal na pagsabog sa Our lady of Mt. Carmel cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga.

 

Ang pahayag nito ni Año ay matapos kumpirmahin ng militar na mga suicide bombers ang nasa likod ng pagbomba na ikinasawi ng 22 at pagkasugat ng  nasa 100 at ang mag-asawang Indonesians ang may kagagawan.

“Ang talagang nagpasabog dun ay Indonesia suicide bombers. Pero ‘yung mga Abu Sayyaf ang nag-guide sa kanila, nag-aral ng target, nagreconnaissance, surveillance at inihatid ‘yung mag-asawa doon sa loob ng simbahan,” wika ni Año.

Sinabi naman ni Sulu Provincial Police director Senior Supt. Pablo Labra na ilang saksi ang nagtuturo na isang lalaki at isang babae ang responsable sa pagbomba.

Sa pahayag ng mga testigo ang babaeng naka-backpack na tinatayang nasa 5’2” ang taas na nakasuot ng hoodie jacket ang pumasok sa loob ng simbahan ang may dalang bomba.

“Sa cathedral, kilala nila ang isa’t-isa na nagsisimba. Itong mga witness natin, na-caught ang attention nila dahil hindi fami­liar ‘yung babae.Nagsabi sila sa investigators na suspicious ang actions ng babae”, ani Labra base sa pahayag ng mga deboto dahil lingon nang lingon ang nasabing babae.

Ang lalaking kasama naman nito ang may dalang bomba sa labas ng simbahan ilang minuto matapos ang unang pagsabog kung saan ang eksplosibo ay wala sa ibaba dahilan at nasa taas dahil wala itong nilikhang hukay sa lugar.

Isinagawa na ang DNA testing sa bangkay ng nasabing lalaki at babae upang magkaroon ng konklusyon na gawa ng suicide bombers ang pagpapasabog.

Iginiit naman ni PNP Spokesman Sr. Supt. Bernard Banac na kailangan ng forensic evidence para mapatunayan na talagang suicide bom­bers ang pangyayari bagaman may matibay ng mga indikasyon.

Una nang ibinulgar ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mag-asawang dayuhang Yemeni ang pinaghihinalaang suicide bombers kung saan ay nasa 40 dayuhang terorista ang namonitor na nasa Mindanao.

DELFIN LORENZANA EDUARDO AñO INDONESIAN SUICIDE BOMBERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with