Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga magulang ng mga bata ay mahaharap sa paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
File
Magulang ng mga batang nasagip sa Navotas drug raid, kakasuhan
Mer Layson (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency o (PDEA) ang mga magulang ng 12 menor de edad na nasagip sa isinagawang drug raid operation sa ilang drug dens sa Navotas City kamakailan.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga magulang ng mga bata ay mahaharap sa paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon kay Aquino, ang “child neglect” ay isang simpleng uri ng pang-aabuso ng mismong pamilya ng mga ito.

Inaalam na ng PDEA ang mga magulang o guardians ng 12 menor na edad para pagpaliwanagin kung bakit hindi nila naprotektahan ang mga kani-kanilang mga anak laban sa pang-aabuso, eksploytasyon at diskriminasyon.

Kapag napatunayan na ang magulang ay nagpabaya o pinuwersa na masangkot ang kanilang anak sa illegal drug trafficking, may katapat itong parusa na “prision mayor” o hindi bababa sa anim na taon hanggang walong taon na pagka­kabilanggo.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with