Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, Director ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) naging maayos ang pagpapatupad ng seguridad kasabay ng papuri nito sa security forces na idineploy para tiyaking maayos, mapayapa at matahimik na pagdaraos ng plebisito.
AFP/Noel Celis
PNP-Zero crime sa BOL plebiscite
Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng PNP na walang naitalang anumang krimen kaugnay ng ginanap na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at iba pang mga lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, Director ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) naging maayos ang pagpapatupad ng seguridad kasabay ng papuri nito sa security forces na idineploy para tiyaking maayos, mapayapa at matahimik na pagdaraos ng plebisito.

Aabot sa 20,104 na security forces mula sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang idineploy sa pinagdarausan ng plebisito. Sinabi naman ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Bernard Banac, aabot sa kabuuang 3, 209 ang idedeploy naman sa anim na munisipalidad sa Lanao del Norte at 39 barangays sa North Cotabato kaugnay ng susunod na plebisito sa nasabing mga lugar sa darating na Pebrero 6.

BANGSAMORO ORGANIC LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with