^

Police Metro

2 dedo sa araro ng van

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider at driver ng isang pampasaherong jeep matapos na sila ay araruhin ng isang van kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mike Martines, 22, binata, ng Masaya St., Pangarap Village, Brgy. 181, Caloocan at si Felix Esperanzate, 48, may-asawa at nakatira rin sa naturang lugar.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Toyota Hi-Ace van na si Wiliam Abelta, 40, ng Block 80 Lot 21, Salapang Alat, Pangarap Village, ng naturang barangay.

Nabatid na bago nangyari ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi sa tapat ng Padilla Automotive Engine Rebuilders shop ay nagpapagawa ng kanyang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng kalsada si Martines habang nagpapalit naman ng gulong ng kanyang ipinapasadang jeep si Esperanzate nang sumulpot ang rumaragasang Hi-Ace van at nabundol ang mga ito.

Ayon sa suspek na nagloko umano ang preno ng kanyang sasakyan kaya’t nasalpok niya ang dalawang biktima.

vuukle comment

MIKE MARTINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with