^

Police Metro

Bahay ng judge na tutol sa BOL grinanada

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinagisan ng granada ng riding in tandem suspects ang bahay ng isang judge na tutol umano sa Bangsa­moro Organic Law (BOL) naganap kamakalawa ng gabi sa Cotabato City.

Sa ulat ni Police Regional Office– Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) Director P/Chief Supt. Graciano Mijares, dakong alas-9:10 ng gabi nang hagisan ng granada ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang compound ng tahanan ni Angelito Rasalan, 53 , Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Judge sa Nuro Upi, Maguindanao sa kahabaan ng Sta Maria Street, Mother Barangay Rosary Heights (MBRH), Cotabato City.

Si Rasalan ay kapatid ni Aniceto Rasalan, ­Executive Secretary ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na isa ring anti-BOL advocate sa kanilang lugar.

Nabatid na naghahanda na para matulog ang pamilya ni Judge Rasalan nang bigla silang maka­rinig ng dalawang malalakas na pagsabog sa loob ng kanilang compound na ang isang granada ay tumama sa bubungan ng bahay habang ang isa pang granada ay tumama sa isa pang bahay sa kanilang compound.

Ayon naman kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, terorismo at personal na alitan ang kanilang masusing iniimbestigahan sa insidente.

vuukle comment

BANGSA­MORO ORGANIC LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with