Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon, pinuno ng komite na gumagawa ang kongreso ng mga batas upang pangalagaan ang mga bata base na rin sa itinatadhana ng 1987 Constitution.
AP/Aaron Favila, File
Ibaba sa 9-anyos ang criminal liability
Rudy Andal, Joy Cantos, Gemma Garcia (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

Aprub sa Kamara,Malacañang at PNP...

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Kamara ang panukalang batas na nagbaba sa age of criminal liability sa siyam na taong gulang gulang mula sa 15 taong gulang.

Ito ay matapos mag­mosyon si 2nd district Capiz Rep. Fredinil Castro na aprubahan ang nasabing panukala na inayunan naman ng miyembro ng komite sa kabila ng matinding pagtutol ni Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon, pinuno ng komite na gumagawa ang kongreso ng mga batas upang pangalagaan ang mga bata base na rin sa itinatadhana ng 1987 Constitution.

Napapanahon na anya, para magpasa sila ng batas upang mapa­ngalagaan ang mga bata laban sa mga sindikato sa gumagamit sa kanila

Base rin umano sa kanilang pag-aaral ginagamit ng mga sindikato ang mga bata para gumawa ng krimen dahil ligtas sila sa criminal liability.

Idinagdag pa ng kongresista na, 70 taong pina-practice sa bansa na siyam na taon ang age of criminal liability sa ilalim ng Revised Penal Code, subalit dahil umano sa RA 9344 na naging batas noong 2006 naging 15 taon ang age of criminal liability.

Layon umano ng panukala na baguhin ang mga bata at hindi ikulong saka ibalik sa lipunan kapag nabago na sila.

Target na maipasa ang nasabing panukala bago matapos ang 17th Congress.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na pabor ang Malacañang sa panukalang ibaba sa 9 taong gulang ang criminal liabilities ng mga menor edad pero nais din nitong papanagutin ang mga magulang nito sa krimen.

Maging si PNP Chief Director General Oscar Albayalde ay pabor na ibaba sa 9-anyos ang criminal liabi­lity upang hindi na magagamit pa o magdadalawang isip  ang mga sindikatong kriminal na gamitin ang mga batang nagkakaedad 9- anyos sa anumang uri ng kriminalidad.

Binigyang diin ni Albayalde na ito’y sa kadahilanang ginagamit din ng mga sindikatong kriminal ang mga bata upang makalusot sa batas.

CRIMINAL LIABILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with