^

Police Metro

Kagawad, 6 pa naaktuhang bumabatak ng shabu

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulu­ngan ang isang barangay kagawad at anim nitong kasama nang maaktuhang bumabatak ng shabu ng mga pulis na nagsagawa ng search and warrant operation sa Brgy. Terraplin, San Pascual, Masbate kamakalawa ng umaga.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Joeper Bello Corporal, 40, high value target, number 1 sa drug watchlist ng bayan ng San Pascual at incumbent barangay kagawad ng Brgy. Ki-Buaya pero naninirahan sa Brgy.Terraplin; Rey John Bello; John Patrick Bello; Mark Anthony Rabi; Ruel Bello; Romualdo Basquinas; at Alberto Sadon.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Teofilo Tambago ng Masbate Regional Trial Court ay magkakasamang sinalakay ng Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Agency, Regional Mobile Force Batallion at San Pascual Police ang bahay ni Corporal.

Gayunman, nang pasukin ng mga pulis ang bahay ay naaktuhang bumabatak ng droga si Corporal kasama ang anim na iba pa sa sala na kung saan ay nasamsam ang 28 plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with