Naghiyawan at palakpakan sa tuwa ang mga tagasuporta ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na nanood sa libreng public viewing sa Rasac covered court sa Sta. Cruz, Manila.
Edd Gumban
‘Age is just a number’
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 21, 2019 - 12:00am

Pacman, 40; tinalo ang 29-anyos na si Broner…

MANILA, Philippines — “Age is just a number”.

Ito ang pinatunayan ni Senador Manny Pacquiao matapos niyang talunin kahapon si Adrien Broner.

Ayon kay PBA party­list Rep. Jericho Nograles, na ang 40 ay ang bagong 20-anyos dahil sa lakas na ipinakita ng pambansang kamao kontra kay Broner na 29-anyos lang .

Kasabay ng pagbati ni Nograles kay Pacquiao pinasalamatan din niya ito dahil sa muling pagbibigay karangalan sa Pilipinas.

Para naman kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, na sa kabila ng edad ni Pacquiao, pinakita niya  na kaya pa rin niyang talunin ang mas bata sa kanya dahil sa kanyang bilis at lakas.

Anya, dahil sa marami pang maaaring ipakita pagdating sa boxing ng Senador kaya umaasa siya na matutuloy pa rin ang laban nito sa pagitan ni Floyd Mayweather  bago magdesisyong magretiro.

Pinasalamatan  din nina House Speaker Gloria Arroyo at Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu si Pacquiao dahil sa pagbibigay inspirasyon sa bansa.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with