Indian national pinabulagta ng holdaper
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Indian national na nagpapa­utang ng 5-6 ang binaril at napatay ng mga holdaper matapos umanong manlaban kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Gurpreet Singh, 34, ng Bahay Pare, National Home Finees, Meycauayan, Bulacan. Tumakas naman ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga sa Block 9, Lot 35, Todela Street, Tiera Nova 3, Brgy. 171 Bagumbong ay ka­sama ng biktima ang misis na si Sonia Rani sa pangongolekta ng pautang nang harangin ng dalawang suspek at tutukan ng baril sabay deklara ng holdap.

Dito ay tumanggi umano ang biktima na ibigay ang susi ng kanyang motorsiklo at dalang bag at nakipag­hilahan pa sa isa sa mga suspek dahilan para pagbabarilin siya nito. Nang bumagsak ang biktima ay tumakas ang dalawang suspek na walang natangay.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with