Lalaking nag-amok dedo sa pulis
Joy Cantos (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking nag-amok ang napatay ng mga nagrespondeng pulis matapos na mapatay ng una ang isang ginang at pagkasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi sa Calamba City, Laguna.

Ang napatay na suspek ay nakilalang si Mario Sandoval, 40.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Lyza Cunanan, 38, habang sugatan naman si Bryan Alcasabas, 32, pawang residente ng Brgy. Parian ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen alas-10:20 ng gabi sa Purok 7, Sitio Ilaya, PNR Site, ng nasabing barangay ay nakatayo ang biktimang si Cunanan sa waiting shed habang umiihi naman si Alcabas nang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang dalawang biktima.

Kasalukuyan namang nagpapatrulya ang mobile patrol ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng  Calamba City Police nang marinig ang mga pu­tok ng baril ay nagresponde sa lugar.

Natiyempuhan naman ng mga ito ang armadong suspek na tumatakas at nang makita sila agad nitong pinaputukan bunsod upang gumanti ng putok ang mga otoridad at napatay ito.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with