Lolo na naniningil ng renta, inutas ng boarder
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ka­hapon ng umaga ang isang 78-anyos na lolong negosyante matapos na ito ay ataduhin nang saksak ng kanyang boarder sa Las Piñas City.

 

Ang biktima ay na­kilalang si Felimo dela Cruz, ng Santos Avenue, Brgy. Zapote ng lungsod.Tumakas ang suspek na si Francis Villareal, alyas Andrew, nasa hustong gu­lang.

Ayon sa pulisya, dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang bang­kay ng biktima ng kanyang kapitbahay.

Sa salaysay ng mga kapitbahay na bago natagpuang patay ang biktima ay narinig nilang mainit katalo nito ang  suspek na sinisingil sa dalawang buwang utang sa upa.

Nagtataka sila kina­umagahan ay hindi ito lumabas ng bahay na dati naman nitong ginagawa kaya’t pinuntahan nila ang bahay at natagpuang patay na ito na mistulang pinahirapan muna.

RENTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with