2 karnaper tepok sa entrapment operation
Joy Cantos (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na umano ay sangkot sa  pagnanakaw ng mga motorsiklo nang manla­ban sa isang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

 

Ang mga napatay ay nakilalang sina alyas Ian Diaz at Jessie; pawang nasa pagitan ng 20-30 taong gulang, mga nakasuot ng short pants at t-shirts.

Sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi nang magsa­gawa ng entrapment ope­ration ang mga otoridad sa safehouse ng mga suspect sa # 24 Forestry kanto ng Mines Street., Brgy. Vasra, Quezon City.

Habang isinasagawa ang transaksyon sa bentahan ng motorsiklo sa lugar ay nakatunog ang mga suspek sa presensya ng mga pulis kaya agad ang mga itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout ng magka­bilang panig na ikinasawi ng dalawang suspek.

Ayon sa pulisya bago isinagawa ang police ope­ration ay nakatanggap sila ng impormasyon sa tala­mak na pagbebenta ng mga suspek ng mga nakaw na motorsiklo na ibinebenta sa halagang P15,000.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang tatlong motorsiklong ki­narnap ng mga suspect na ibinebenta ng mga ito sa bagsak presyong ha­laga, isang cal .45 pistol, limang bala, isang cal 38 revolver na may kargang 3 bala, tatlong pumalyang bala, pitong plastic sachet ng shabu, isang cellular phone at P15,000 buy bust money. 

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with